Shipping Nationwide
Shipping Nationwide
Overview
- Ang bakal, ay isa mga pangunahing materyal sa maraming industriya.
- Ang produksyon ng bakal ay nakasalalay nang malaki sa mga raw materials tulad ng iron ore at coking coal. Ang availability at presyo ng mga mapagkukunan na ito ay may malaking epekto sa kabuuang gastos sa produksyon ng bakal.
- Ang isang umuunlad na ekonomiya o malalaking construction project ay maaaring magdulot ng biglang pagtaas ng demand para sa bakal. Sa limitadong suplay sa maikling panahon, karaniwan nang tumataas ang presyo upang matugunan ang pagtaas na ito sa demand.
Ang bakal ay importanteng materyales para sa mga construction, infrastructure, at manufacture projects. Dahil dito, dapat malaman mong malaman ang mga bagay na nakakaaapekto sa presyo ng mga bakal.
Sa article na ito, tatalakayin natin ang mga bagay na ito para magabayan ka sa iyong pagbili at paggamit nito para sa iyong proyekto o negosyo. Magpatuloy lamang sa pagbabasa.
Sa usapin ng supply, ang mga bagay tulad ng availability ng raw materials, production capacity, at regulations ay nakakaapekto kung gaano karaming bakal ang mayroon.
Sa kabilang banda, ang demand naman base sa sitwasyon ng ekonomiya, industrial activity, mga construction projects, at iba pa ay may kinalaman din sa presyo ng bakal.
Halimbawa, ang bansang may maunlad na ekonomiya at construction projects ay nagiging dahilan para tumaas ang demand mga steel products—pati na rin ang presyo nito. Sa kabaliktaran naman, ang mababang ekonomiya o construction activities ay nagdudulot para bumaba ang presyo ng mga bakal para maubos ang supply nito.
Ang bakal ay binubuo ng iba’t-ibang uri ng raw materials tulad ng iron ore, carbon, at iba pa. Kung tataas ang presyo ng mga ito, maaapektuhan nito ang presyo ng mga steel products. Halimbawa, kung tumaas ang presyo ng iron ore, na pangunahing sangkap ng bakal, ang gastos sa paggawa ng bakal ay tataas din.
Gayundin, kung magkaroon ng kakulangan sa raw materials, maaaring mabawasan ang supply ng bakal, na maaaring magdulot ng pagtaas ng presyo nito.
Ang steel manufacturing industry ay nangangailangan ng 20 gigajoules ng enerhiya bawat tonelada upang mai-process at mapagana ang mga makinarya sa pag-produce ng mga bakal. Kapag ang presyo ng enerhiya ay tumaas, nadadagdagan ang mga gastos sa kanilang paggawa, na nagtutulak sa kanilang taasan ang presyo ng kanilang mga produkto.
Ang mga suppliers ng bakal ay maaaring magtaas ng presyo ng kanilang mga produkto upang mapanatili ang kanilang kita sa kabila ng pagtaas ng gastos sa enerhiya.
Sa kabilang banda, kung ang presyo ng enerhiya ay bumaba, maaaring mabawasan ang mga gastos sa produksyon, na maaaring magresulta sa pagbaba ng presyo ng bakal.
Ang steel global market ay isang komplikadong sistema. Isa sa mga kadahilanan dito ay ang pagbabago sa halaga ng pera. Kapag ang mga bansang nakakapag-produce ng mga bakal ay nagkakaroon nang pagbagsak ng halaga ng kanilang pera, maaaring magdulot ito ng epekto sa iba’t-ibang bansang umaasa sa kanila.
Isang halimbawa ang Pilipinas, bilang bilang isang major importer ng bakal, na bumibili ng iron ore na may presyo sa dolyar. Kapag bumaba ang halaga ng piso, kailangan ng mas maraming piso upang mabili ang parehong dami ng iron ore.
Sa huli, ang problemang ito sa halaga ng pera ay napupunta sa mga mamimili, na bibili ng mga bakal sa mataas na halaga.
Ang pagpapadala ng mga raw materials at produkto mula sa mga lugar kung saan ang bakal ay ginagawa hanggang sa kung saan ito ginagamit ay nagdudulot ng dagdag na gastos. Kung ang presyo ng transportation ay tumaas, ito ay magreresulta sa pagtaas din ng presyo ng bakal.
Pangalawa, ang gastos sa paggawa, tulad ng mga suweldo ng manggagawa at gastusin sa produksyon, ay naglalaro din ng malaking papel. Kapag ang mga gastos dito ay tumaas, ito ay magdudulot nang pagtaas sa presyo ng bakal.
Mula sa presyo ng mga raw materials, hanggang sa pagbabago sa halaga ng pera bawat isa ay nakakaapekto sa halaga ng mga steel products. Ang pag-unawa sa mga ito ay nagbibigay-daan sa mga negosyo at indibidwal upang mas malaman ang kalakaran sa steel industry.
Sa Linton Incorporated, nauunawaan namin ang kahalagahan ng matibay at maaasahang bakal para sa inyong mga proyekto bilang isa sa mga trusted suppliers ng bakal sa Pilipinas. Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang talakayin kung paano kami makakatulong sa inyo.