Shipping Nationwide
Shipping Nationwide
Overview
- Ang bakal ay malaking bahagi sa industriya ng engineering at construction, na may mga iba’t-ibang uri tulad ng structural steel, carbon steel, alloy steel, at stainless steel.
- Ang structural steel ay ginagamit sa pagtatayo ng mga gusali at infrastraktura.
- Ang carbon steel ay matatag at ginagamit sa automotive at kagamitan. Ang alloy steel naman ay naglalaman ng iba’t-ibang elemento at ginagamit sa iba’t-ibang industriya. Ang stainless steel ay matibay at madalas gamitin sa aviation at food processing.
Ang pagsulong ng imprastraktura sa Pilipinas ay nagiging mahalaga sa pag-unlad ng bansa. Ang malalaking proyektong ito ay nagbibigay-daan sa mas mabilis na transportasyon, mas epektibong negosyo, at mas matibay na pundasyon para sa kinabukasan. Isa itong hakbang patungo sa mas modernong lipunan at ekonomiya.
Ang bakal ay itinuturing na pinakamahalagang materyal sa engineering at construction sa buong mundo. Ito ay isang alloy ng yero at carbon na naglalaman ng manganese, silicon, phosphorus, sulfur, at oxygen.
Sa artikulong ito, ating pag-usapan ang mga karaniwang uri ng bakal na kritikal sa bawat aspeto ng ating buhay at industriya. Ginagamit ito sa lahat ng aspeto ng ating buhay; sa mga sasakyan at kagamitan sa construction, sa mga gamit sa bahay, sa mga barko, at mga kagamitan sa ospital.
Ang structural steel ay iba’t-ibang hugis ng bakal na ginagamit sa construction. Ito ay dinisenyo nang naaayon sa hugis at sukat na angkop para sa iba’t-ibang proyekto tulad ng mga gusali, kalsada, tulay, at iba pa.
Ang ilang paraan sa paggawa nito ay sa pamamagitan ng hot rolling, cold rolling, welding, at bending. Dahil sa katangian nitong mabilis at madaling iproseso, ito ay nagsisilbing pundasyon nang matatag na istraktura sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Bilang isang kilalang importer, distributor, at supplier ng structural steel sa Pilipinas, ang pangunahing layunin ng Linton Incorporated ay magbigay nang suporta at kalidad na serbisyo sa mga Pilipino.
Ang carbon steel ay isang espesyal na uri ng bakal na may mas mataas na lebel ng carbon kaysa sa ibang bakal. Ito ay karaniwang ginagamit sa iba’t-ibang paraan dahil sa taglay nitong mataas na tensile strength. Ito ay makikita sa mga gusali, sa paggawa ng mga kagamitan sa automotive, at iba pa.
Isa sa mga kagandahan nito ay ang pagbibigay ng seguridad at tibay, na kritikal sa mga gusaling ginagamit at pinupuntahan ng marami. Katulad sa structural steel, ang paggawa ng carbon steel ay sumasailalim sa hot rolling, cold rolling, at iba pa. Mula sa konstruksiyon hanggang sa paggawa ng kagamitan, ang carbon steel ay isang pangunahing materyal na nagbibigay-tibay sa mga gusali.
Ang Steel Plates ay malalapad na piraso ng bakal na kilala sa kanilang kakayahan na magbigay ng matibay na pundasyon at suporta sa iba’t-ibang proyektong konstruksiyon. May iba’t-ibang klase ng steel plates tulad ng Mild Steel na kilala sa tamang tibay para sa pang-araw-araw na gamit.
Ang Hot Rolled ay may mas mataas na tensile strength at karaniwang ginagamit sa industriyal na proyekto. Samantalang ang Cold Rolled ay parehong matibay ng hot rolled ngunit mas makinis at may mas mataas na presisyon. Ang Galvanized Iron naman ay may zinc coating para sa proteksyon laban sa corrosion at oxidation.
Bawat uri ay may espesyalisadong paggamit, tulad ng Mild Steel sa simpleng konstruksiyon, Hot Rolled sa mga proyektong pang-industriya, Cold Rolled sa masusing paggawa, at Galvanized Iron sa mga lugar na maaring maapektohan ng labis na alon at klima.
Ang alloy steel naman ay naglalaman ng iba’t-ibang elemento tulad ng molybdenum, manganese, nickel, chromium, vanadium, silicon, at boron. Kapag ang mga elementong ito, kasama ang metal at hindi metal, ay idinagdag sa carbon steel, nabubuo ang alloy steel. Ang mga ito ay nagpapakita ng mga katangiang pangkalikasan, chemical, at physical na maaaring mag-iba depende sa mga elemento na ginamit sa alloy.
Ang alloy steel ay karaniwang ginagamit sa maraming aplikasyon at industriya. Matatagpuan ito sa paggawa ng mga produktong tulad ng alloy steel pipes at tubes, alloy steel plates, sheets, at coils, alloy steel bars, rods, at wires, at iba pa.
Sa iba’t-ibang sektor tulad ng transportasyon, pagmimina, kagamitan, riles, konstruksiyon ng kalsada, gusali, at kagamitan sa bahay, nagbibigay ang alloy steel ng maraming benepisyo.
Ang Steel Bars ay mga patagilid na piraso ng bakal na kilala ay sa kanilang mahusay na tibay at kakayahan na magdala ng bigat. May dalawang pangunahing klase ng steel bars, mga channel bars at angle bars.
Ang mga Channel Bars ay may hugis ng “U” o channel. Ito ay kilala sa kakayahang magbigay ng suporta at tibay sa mga estruktura tulad ng kisame at pader, at madalas ding ginagamit sa pagtatayo ng mga sistema ng konduktor para sa kuryente o iba’t-ibang kagamitan sa konstruksiyon.
Pangalawa, ang mga Angle Bars ay may hugis na “L” at kilala sa kanilang versatility. Ito ay ginagamit sa pagbuo ng mga pader, frame, at iba’t-ibang estruktura dahil sa angular na disenyo nito na nagbibigay ng masigla at mahusay na suporta sa iba’t-ibang bahagi ng isang konstruksiyon.
Ang stainless steel ay bahagi ng pamilya ng alloy steels na karaniwang naglalaman ng 10 hanggang 30 porsiyentong chromium. Ang iba pang elemento tulad ng nickel, molybdenum, titanium, aluminum, niobium, copper, nitrogen, sulfur, phosphorus, o selenium ay maaaring idagdag upang mapabuti ang resistensya sa corrosion at mapahusay ang resistensya sa oxidation.
Ang mga industriya tulad ng aviation at food processing ay madalas gumamit ng stainless steel. Ito’y sapagkat may kakayahan itong tumagal sa mahabang panahon kahit na nasa mapanganib na kapaligiran tulad ng mga kemikal, mataas na temperatura, at pagpasok ng tubig. Sa paggamit nito, maaaring mabawasan ang posibilidad ng pinsala at aksidente.
Halimbawa, ang duplex stainless steel ay malakas at mas matibay kaysa sa ibang uri, kaya’t ginagamit ito sa paggawa ng storage tanks, chemical processing, at containers para sa pagta-transport ng kemikal.
Ang Steel Coils ay mga mahabang piraso ng bakal na may makapal at pinaikot na hugis spiral. Kilala ang mga ito sa kakayahan na magdala ng malaking dami ng bakal sa isang sunod-sunod na anyo, na nagreresulta sa mas mabilis na produksyon at paggamit.
Sa industriya ng bakal, may iba’t-ibang klase ng steel coils na ginagamit para sa iba’t-ibang proyekto. Ang Hot Rolled Coils ay nilikha mula sa bakal na naiinit bago i-press, nagreresulta sa mas mataas na tensile strength at mas mababang tolerance, kaya madalas itong ginagamit sa mga proyektong pang-industriya.
Samantalang ang Cold Rolled Coils ay mas makinis at mataas ang presisyon kaysa sa hot rolled, kaya’t karaniwang ginagamit sa masusing paggawa. Habang ang Galvanized Iron Coils naman ay may zinc coating para sa proteksiyon laban sa corrosion at panahon, at karaniwang ginagamit sa konstruksiyon at outdoor na kagamitan.
Ang pag-unawa sa mga karaniwang uri ng bakal ay nagbibigay-daan para sa mas epektibong paggamit nito sa iba’t-ibang aspeto ng ating buhay. Ang kakayahang umangkop ng bawat uri ng bakal sa ating mga pangangailangan ay naglalarawan ng kahalagahan nito sa maraming industriya.
Kung kayo ay naghahanap ng dekalidad at matibay na produktong bakal para sa inyong proyekto, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa Linton Incorporated. Bisitahin ang aming website para sa karagdagang impormasyon.